Latest Entries
Panitikan | Literary / Writing

Estranghero

Hindi pa talaga s’ya kilala ng tatay n’ya. Kahapon kasi, hindi na s’ya nakaiwas nang magkaharap sila sa mesa ng tomahan dahil binyag ng pamangkin n’ya kaya nakapag-usap-ilang-lasing sila sa ilang mga bagay-bagay, buhay-buhay habang makailang-ulit na nilalagok ang pumapait na Red Horse at habang unti-unting nawawala sa tono sa salit-salitang paghawak ng mikropono. Continue reading »

After “Asuang”, PMP’s 8th issue will be “Firestarter”
Isyu 7: Tag-ulan 2012 | Asuang / Kontribyutor / Panitikan | Literary / Paper Monster Press / Plug / Tula / Writing

After “Asuang”, PMP’s 8th issue will be “Firestarter”

Ilang linggo nang tapos ang launching ng Paper Monster Press 7: Asuang (Tag-ulan Issue) sa Flip and Beyond Resto Bar, Dasmariñas, Cavite. Hanakanangtok…’di ako nakapunta. Kaya ‘di ko pa rin nahihipo ‘yong complimentary copy ko. Sal’mat much na lang sa mga nag-a-upload: O’nga pala, para sa ikawalong isyu ng Paper Monster Press, i-install sa utak … Continue reading »

“Asuang” Selections: PMP’s 7th Issue (Tag-ulan 2012)
Issue No. 7: Tag-ulan 2012 | Asuang / Paper Monster Press / Plug

“Asuang” Selections: PMP’s 7th Issue (Tag-ulan 2012)

Asuang is an exploration of that darkest part of our psyche: the monsters of our mind. Asuang is an umbrella term for all the creatures that peopled our imagination, and we explore this narrative in literature, art, and music. Kagat-kagat ang ganyang tema, here are the selected works for 7th Issue na magsisilbi namang ikaapat kong … Continue reading »

Diacetylmorphine Fl[u]shback
Issue No. 7: Tag-ulan 2012 | Asuang / Issue No. 7: Tag-ulan 2012 | Asuang / Paleta (new literary digest of The Spark) / Panitikan | Literary / Paper Monster Press / The Spark (Official Student Publication of SLSU-COE) / Tomo 2 / Tula / Writing

Diacetylmorphine Fl[u]shback

Mabilis ang mga pangyayari nang magmistulang laboratoryo ang lavatory ng banyo habang maulul-ulol kung inaantay ang euphoria ng katuturok na ¹Bobby sa nagluluksa kong brasong namutla sa tampal at palo; lima, sampung segundo ang nakaraan. Sa sepiang liwanag ng sinasapot na bombilya, masilaw-silaw kung inaninaw ang rumi-rewind na paalala: “Suck the shit into the syringe, tap … Continue reading »

Cul-de-sac
Paleta (new literary digest of The Spark) / Panitikan | Literary / The Spark (Official Student Publication of SLSU-COE) / Tomo 2 / Tula / Writing

Cul-de-sac

N a k a l a d l a d ang kanyang kamay at ang nakaladkad n’yang pagkatao sa mataong pook ng paghihikahos. Nakadadaupang-palad ang ku.mu.ku.pad na hampas ng nanunudyong oras: busina ng rumaragasang bus, sagitsit ng ispiker sa kalawanging dyip, “screeeeeechh” ng kotseng ‘di pa nadidilaan ng tubig Continue reading »

Idiot Box
Paleta (new literary digest of The Spark) / Panitikan | Literary / The Spark (Official Student Publication of SLSU-COE) / Tomo 2 / Tula / Writing

Idiot Box

(Plugged…) Simulan natin sa pagpindot ng ON. Bukás na ulit ang elektronikong kahon. Magpapakahon na naman tayo sa mambibilog ng ating ulo at hahayaan nating higupin ulit tayo ng pumipisik-pisik na liwanag (Colored o black & white?) mula sa muk’a nitong kwadrado, iskwalado. (Ilang inches?) Continue reading »